Hi I’m Jessa or “jing”, masungit akong tingnan pero pag nakilala na makulit rin pala. Mapili ako sa mga taong nagiging close ko, alam ko kasi ‘yung iba hindi totoo kaibigan ka lang pag may kailangan sila. Tahimik lang ako kapag bago pa sa isang lugar, walang imik at walang pakialam sa paligid. May mga naging kaibigan ako dito sa CJC, akala ko dati hindi magtatagal ‘yung pagkakaibigan namin,mali pala ako kasi matatapos na lang ang grade 11 magkaibigan pa rin kaming apat. Hindi ko gusto ‘yung pinag uusapan ang buhay ko, lalong-lalo na kung gagawan ako ng istoryang hindi makatotohanan. Ayaw ko sa mga taong hinuhusgahan ang pagkatao ko, mapili ako sa kaibigan kasi ayaw ko ng gulo. Pinaka ayaw ko ang masangkot sa gulo, gusto ko ng tahimik na buhay. ‘Yun lang.